-- Advertisements --
Kim Jong Un

Nanawagan para sa isang exponential na pagtaas sa produksyon ng mga nuclear weapon ang pinuno ng North Korea na si Kim Jon Un.

Ginawa ni Kim ang mga panawagan sa isang dalawang araw na session ng rubber-stamp parliament ng bansa na nag-amyenda sa konstitusyon upang isama ang kanyang patakaran sa pagpapalawak ng programa ng mga nuclear weapons ng kanilang bansa.

Ang session ng Supreme People’s Assembly ay dumating pagkatapos maglakbay ni Kim sa Russia ngayong buwan matapos makipagkita kay Russian President Vladimir Putin at binisita ang mga site ng militar.

Ang paglalakbay ay nagdulot ng mga alalahanin tungkol sa isang posibleng alyansa kung saan ang North Korea ay magbibigay kay Putin ng kailangang mga bala upang paigtingin ang pwersa laban sa Ukraine.

Ang nasabing mga hakbang ay kasabay ng unti-unting pagbangon ng North Korea mula sa epekto ng pandemic lockdown habang aktibong pinalalakas ni Kim ang kanyang pakikipagsosyo sa Moscow at Beijing upang mas mapalakas ang pwersang militar ng North Korea.