-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng North Korean government na nagiging matagumpay na ang kanilang paglaban kontra COVID-19.

Dahil dito ay plano ni North Korean leader Kim Jong Un na luwagan ang mga ipinatupad nilang COVID-19 pandemic.

Ayon sa Korean Central News Agency (KCNA) na mayroong mahigit 89,500 na kaso at 106,390 na ang gumaling.

Mayroong naitalang 69 ang nasawi na mas mababa ito kumpara noong buwan ng Abril.

Magugunitang noong Abril ay umabot sa ilang milyon ang naitalang kaso kaya nagpatupad sila nationwide lockdown doon.