-- Advertisements --
MISSILE North Korea

Nagsagawa ngayon ng submarine-launched cruise missile test ang North Korea kasunod ng utos ng pinuno nitong si Kim Jong Un na paghahanda sa posibleng “frantic war preparation moves” ng mga kalaban nito.

Ito ay isinagawa ilang araw bago ang pagsisimula ng large-scale joint military drills ng United States at South Korean militaries na sa tingin ng North Korea ay isang paghahanda para sa posibleng invasion na gawin ng Amerika.

Sa isang pahayag ay sinabi ng North Korea na ang kanilang isinagawang launching ng missile ay nagpapakita lamang ng kanilang tugon sa “overwhelming powerful forces” sa mas umiigting pang military maneuvers ng mga Estados Unidos at South Korea na tinawag pa nitong “imperialists” at “puppet forces”.

Target umano ng North Korea na armasan ng mga nuclear warheads ang naturang cruise missiles.

Sa ulat, sinasabing tumagal ng hanggang dalawang oras sa ere ang naturang mga missile mula sa 8.24 Yongung submarine sa katubigan ng east coast ng Korea na umabot sa layong 1,500 kilometers o 932 miles bago ma-hit ang target.