-- Advertisements --

Pinangasiwaan ni North Korean leader Kim Jong Un ang isinagawang firing drills gamit ang artillery units nito sa kanlurang bahagi ng naturang bansa.

Ang nasabing drills ay mga “newly-equipped super-large” multiple rocket launchers.

Isinagawa ang naturang pagsasanay sa loob ng isang araw sa gitna ng tensyon sa pagitan ng North Korea kontra South Korea at United States.

Tila nag mitsa kasi ng apoy ang pagbisita ni US Secretary of State Antony Blinken sa South Korea at maging ang isinagawang taunang military training exercises ng kanilang mga kaalyado dahilan upang magpaputok ng tatlong short-range missiles ang North Korea.

Ayon sa mga analyst ito ay tila isang kalkuladong hakbang ni Kim Jong Un para makuha ang atensiyon ng mga ito sa nangyaring pagbisita ni Blinken sa South Korea

Ang Seoul ay isa sa mga key regional allies ng Washington, at una nang nagtalaga ang Estados Unidos ng humigit-kumulang 27,000 sundalong Amerikano sa South para tumulong na protektahan ito laban sa North.

Kung matatandaan, nagbabala ang Pyongyang ngayong buwan na ang Seoul at Washington ay magbabayad sa kanilang mga military exercises na tila nagbabadya umanong salakayin ang bansa.

Pangalawang beses na ngayong taon isinagawa ang ballistic missile test dahil noong January 14, 2024 ay nagpaputok na rin ng new solid-fuel hypersonic missile ang North Korea.