Nagpaplano ang North Korea na bumuo ng pinakamakapangyarihang nuclear force sa pamumuno ni Kim Jong Un sa likod ng nuclear program o ‘yung tinatawag nilang Ultimate goal force.
Una rito ang North Korea ay nagkaroon na ng absolute force bilang bahagi ng isang order na nagpo-promote ng dose-dosenang mga opisyal ng militar.
Sinasabing ang uri ng missile ay isang malaking rocket na may kakahayang maghatid ng nuclear warhead sa mainland ng Estados Unidos.
Tinawag nito Kim Jong Un ang missile na pinaka-malakas dahil isa rin ito sa naging hakbang sa pagpapaunlad ng teknolohiya ng mga nuclear warhead sa ballistic missiles.
Malaki naman ang kumpiyansa ni Kim sa tagumpay at mas pinalakas na hukbo sa buong mundo, dagdag pa rito ang nangyaring pagpapaputok ay minarkahan rin na isang mahusay at matagumpay sa buong north korea.
Samantala, Inilabas din naman ng Pyongyang ang isang video ng paglulunsad ng missile, pangatlong beses na ginawa ito mula noong 2017.