-- Advertisements --
Ibinunyag ng White House na nagbigay ang North Korea ng mga ballistic missiles at launchers sa Russia para gamitin laban sa Ukraine.
Sinabi ni US national security spokesperson John Kirby na kanilang ipaparating ang impormasyon sa United Nations Security Council.
Tinawag pa ni Kirby na ang hakbang na ito ng North Korea bilang pagdagdag ng tensiyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Sa ngayon ay wala pang naibigay ang Iran ng mga close-range ballistic missiles sa Russia subalit naniniwala ito na may balak ang Russia na bumili ng mga missile systems sa Iran.