-- Advertisements --
Binalaan ng North Korea ang US kapag patuloy ang ginagawa nilang military drill sa South Korea.
Ayon sa foreign ministry ng North Korea na tatapatan nila ng mabigat na hakbang kapag hindi tumigil ang US sa pagsagawa ng mga military drills.
Tinawag pa nila na ang ginagawa ng US ay tila pag-uudyok ng kaguluhan sa pagitan nila ng South Korea.
Nauna ng naglunsad ang North Korea ng short-range ballistic missiles bilang pagpapakita ng protesta sa nasabing mga military drills.
Nakakuha rin ang US ng impormasyon na naghahanda ang North Korea ng unang nuclear weapon test.