-- Advertisements --
NUCLEAR MISSILE

Muling nagsagawa ng panibagong nuclear underwater attack drone testing ngayong linggo ang bansang North Korea.

Kasabay ito ng pagdating ng US amphibious assault ship sa South Korea para sa gaganaping joint drills ng Amerika at South Korea.

Sa isang pahayag ay kinumpirma ng state news agency ng North Korea kung saan isiniwalat nito na nagpaputok ang nasabing bansa ng cruise missiles habang nagsasagawa ng weapon test at firing drill sa lugar.

Sa ulat, sinasabing nag-cruise ang North Korean drone sa ilalim ng tubig nang nasa mahigit 59 na oras at pinasabog ito sa ilalim ng tubig sa silangang baybayin ng nasabing bansa.

Ang drone system na ito layuning gumawa ng sneak attacks sa katubigan ng kaaway at sirain ang naval striker groups at major operational ports.