-- Advertisements --

Muling nagpalipad ng dalawang short-range ballistic missiles ang North Korea nitong Biyernes.

Ayon sa South Korea na ito na ang hindi mabilang na pagkakataon na nagpalipad ang North Korea ng kanilang most advanced intercontinental ballistic missiles.

Dagdag pa ng Joint Chief’s of Staff ng South Korea na nakita ng kanilang military ang dalawang short-range ballistic missiles sa East Sea mula sa Sunan area ng Pyongyang.

Inilagay naman nila sa full alert ang kanilang kasundaluhan at mahigpit ang pakikipag-ugnayan nila sa US sakaling magdulot ng negatibong epekto ang nasabing missile test ng North Korea.

Noong nakaraang buwan pa kasi ay nagbabala na ang US at South Korea na naghahanda ang North Korea ng kanilang ika-pitong nuclear test.