-- Advertisements --

Muling nagpakawala ang North Korea ng dalawang short-range ballistic missiles sa karagatang bahagi ng Korean Peninsula.

Ayon sa South Korean military, na ipinalipad ang missile mula sa Tongchon county ng silangang Kangwon province ng North Korea.

Lumipad ito ng may taas ng 230 kilometers na sinasabing nagdudulot ng pangamba sa Korean peninsula.

Tinawag naman ng United Nations Security Council na isang serious provocations at malinaw na paglabag sa kasunduan sa UN Security council ang ginawang ito ng North Korea.

Ito na ang pang-28 na missile launch na isinagawa ng North Korea ngayong taon.

Nagdudulot ang nasabing missile launch sa mga US personnel na nakatalaga sa Korean peninsula.