-- Advertisements --

Muling nagpakawala ng ballistic missiles ang North Korea.

Ito na ang pang-apat na beses na pagpapakawala ng North Korea sa loob lamang ng isang linggo.

Ayon sa South Korea Joint Chiefs of Staff na isinagawa ang missile launch sa pagsisimula ng trilateral anti-submarine exercises ng mga bansang Japan, South Korea at US.

Unang nagpakawala ang North Korea ilang araw sa bago bumisita sa South Korea si US Vice President Kamala Harris at pagkatapos na ito ay bumisita ay nagpakawala muli sila.

Matagal na umanong pinagbabawal ng United Nation Security Council ang paggamit ng Nuclear test at ballistic missiles.