Inulan ng kritisimo mula sa ilang media outlets sa North Korea ang sikat ngayong South Korean drama series na “Crash Landing on You.”
Kwento ito ng isang mayaman at herederang babae mula South Korea na aksidenteng nag-land sa Pyongyang habang nagpa-paragliding, at na-rescue ng isang North Korean military officer.
Ayon sa online propaganda outlet na Meari, nagdulot ng galit sa mamamayan ng bansa ang ipinakitang mga eksena ng palabas.
Pati na ang pagkakalarawan umano ng storya na tila minamaliit ang sitwasyon ng North Korea.
Isang propaganda site din ang pumuna sa anila’y sunod-sunod na page-ere ng South Korea ng mga palabas at pelikula na naghahatid umano ng maling impresyon sa Pyongyang.
Tinawag din nilang insulto ang naturang mga palabas sa mamamayan ng North Korea.
“Recently, South Korean authorities and film producers are releasing anti-republic films and TV dramas that are deceptive, fabricated, absurd and impure, putting all their efforts on making strategic propaganda,” ayon sa editorial ng Uriminzokkiri.
Bukod sa nabanggit na serye, pinuna din ng propaganda sites ang release ng pelikulang “Ashfall” na nagpakita sa pagtutulungan ng dalawang bansa para mapigilan ang pagputok ng Paektusan volcano na nasa hilagang Korea./The Korean Herald