-- Advertisements --

Kinumpirma ng ng South Korean military’s Joint Chiefs of Staff na muling nagpaputok ng dalawang pampasabog ang North Korea ngayong araw.

Ang naturang rockets ay pinakawalan umano sa Silangang bahagi ng Wonsan. Kasalukuyan namang nakikipagtulungan ang South Korea sa Estados Unidos upang kumalap pa ng impormasyon.

Hindi naman sigurado ang Japanese government kung bumagsak ang naturang projectile sa kanilang economic zone.

Naganap ang pagapapakawala ng projectiles tatlong araw lamang matapos ang di-umano’y isinagawang inspection ni North Korean leader Kim Jong Un sa isang artillery drill.