-- Advertisements --
Ipinagmalaki ni North Korean leader Kim Jong-un ang bagong ginagawang multiple rocket launchers na kaya aniyang lipulin ang kalaban.
Base sa report, binisita ng NoKor leader ang pabrikang gumagawa ng naturang rocket launchers.
Ayon sa top officials mula sa missile programme ng NoKor, sinabi ni Kim na magsisilbi ang bagong weapon systems bilang main strike ng kaniyang militar.
Aniya, isang super-powerful weapon ang bagong multiple rocket system dahil kaya nitong puksain ang kalaban sa pamamagitan ng biglaang “precise strike” nang may mataas na accuracy at devastating power.
Batay pa sa report, gagamitin ang weapon system sa malalaking concentrated attack sa kanilang military operations.











