-- Advertisements --

Nograles: Gobyerno, mangangailangan ng P16-B para sa mandatory ROTC

Aabot sa P16 billion ang kakailanganin ng gobyerno kung maipapatupad ang mandatory military training para sa mga senior high school students, ayon sa isang kongresista.

Sinabi ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles na ang bilang sa ngayon ng grade 11 at 12 students sa bansa ay nasa humigit kumulang 4 million na.

Ang mga estudyanteng ito na sasabak sa Reserve Officers Training Corps (ROTC) ay mangangailangan ng belts, t-shirts, pants at iba pang kakailanganin nila para sa kanilang training.

Sa tantya ni Nograles, aabot sa P4,000 ang gagastusin para sa isang estudyante sasabak sa ROTC.

“With all of these materials para mag uniform ang isang estudyante, at 4,000 pesos [each], that’s already 16 billion pesos. With 16 billion pesos, sino magbabayad niyan? Taxpayer,” ani Nograles.

Gayunman, iginiit ng kongresista ang kahalagahan ng ROTC bilang bahagi ng pagpapabuti sa seguridad ng bansa.

Nabatid na ngayong 18th Congress ay muling inihain ang panukalang batas na nag-oobliga sa mga Senior High students sa mga pampubliko at pribadong paaralan na sumailalim sa ROTC training.