-- Advertisements --

Pormal ng tinanggap nina Dmitry Muratov at Maria Ressa ang kanilang Nobel Peace Prize lauereate sa Oslo, Norway.

Sa mensahe ni Muratov na inialay niya ang aniyang nakuhang pagkilala sa mga mamamahayag ng Russia.

Si Muratov ay editior-in-chief ng Russian newspaper na Novaya Gazeta na nanalo noong 2021 habang si Ressa ay co-founder ng Rappler.

Itinuturing kasi ng gobyerno ng Russia ng mga mamamahayag kasama ang mga human rights defenders at non-government organziations bilang “Foreign agents” o kalaban ng bansa.

Nanawagan naman si Ressa ng pagbabago sa social media platforms.

Sinabi nito na mahalaga ito para matigil na ang pagkalat ng “hate and violence”.

Ang dalawa ang ay siyang unang mamamahayag na nakatanggap ng award mula noong magwagi si Carl von Ossietzky na nagwagi noong 1935 na hindi na natanggap personal ang award matapos mapatay sa Nazi concentration camp.