-- Advertisements --

Hindi na obligado ang mga commuters sa Metro Manila na magpakita ng kanilang vaccination status para lamang makasakay sa pampublikong transportasyon simula sa Martes, Pebrero 1, 2022.

Sinabi ito ni Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran matapos na inilagay ng IATF ang Metro Manila sa ilalim ng Alert Level 2 simula sa darating na Martes.


Ayon kay Liberan, ang “No Vaccination, No Ride” policy ng Department of Transportation ay ili-lift kapag ang isang lugar ay inilagay na sa ilalim ng Alert Level 2.

Halos isang buwan na ang nakararaan nang unang ipatupad ng pamahalaan ang naturang polisiya, na umani ng batikos mula sa iba’t ibang grupo at sa mga mambabatas na rin mismo.

Anila, ang desisyon na ito ng gobyerno ay discriminatory laban sa mga Pilipinong hindi pa nababakunahan.