-- Advertisements --

Magpapatupad ang PNP ng no fly zone at signal jamming sa araw ng Traslacion sa Lungsod ng Maynila sa darating na Enero 9.

Sinab ni PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr, na ito ang nakikita nilang dagdag na seguridad para sa mga dadalong deboto ng Itim na Nazareno.

Hindi naman nito binanggit kung anong oras isasagawa ang nasabing pag-jam ng mga signal.

Tuloy-tuloy din aniya ang ugnayan nila sa organizer ng Traslacion kung saan regular na nagbibigay ng threat assessment ang kapulisan.