-- Advertisements --

Ikinasal na sa kaniyang nobya si NLEX player Matt Nieto.

Sa social media account ng 26-anyos na player ay ibinahagi nito ang mga larawan ng pag-iisang dibdib nila ng nobyang si Bianca Matanguihan.

Ginanap ang kasal nilang dalawa sa Tagaytay.

Dumalo sa nasabing okasyon ang ilang kasamahan nito sa koponan at maging mga opisyal ng PBA at college basketball team.