-- Advertisements --
Desididong makapasok sa playoffs ang NLEX matapos talunin sa overtime ang Barangay Ginebra 120-117 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.
Nangibabaw sa panalo ng NLEX ang import nila na si Earl Clark na nagtala ng 37 points, 17 rebounds at pitong assists habang mayroong 26 points si Don Trollano.
Dahil sa panalo ay natuldukan na nila ang limang sunod na pagkatalo na mayroon ng silang apat na panalo at pitong talo habang mayroong pitong panalo at tatlong talo ang GinKings.
Nasayang naman ang nagawang 39 points ni Justin Brownlee at 17 points ni Scottie Thompson matapos mabigoa ng Ginebra.