-- Advertisements --

Pasok na sa quarterfinals ng 2024 PBA Philippine Cup ang NLEX matapos talunin nila ang Barangay Ginebra 76-72.

Naging mahigpit ang depensang ipinamalas ng NLEX sa last quarter sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Dahil sa panalo ay nasa pang-anim na puwesto na ang NLEX na mayroong anim na panalo at limang talo.

Makakaharap nila ang Meralco Bolts sa best-of-3 series sa playoffs.

Nanguna sa panalo si Robert Bolick na mayroong 25 points, walong assists at anim na rebounds habang mayroong 11 points si Richie Rodger.

Hawak ng Gins ang kalamangan 73-72 matapos maipasok ni Maverick Ahanmisi ang dalawang freethrows sa natitirang 30 segundo ng laro.

Naipasok naman nina Baser Amer at Rodger ang kanilang free-throws at nakuha ang panalo.

Nasayang naman ang nagawang 19 points at 10 rebounds ni Christian Standhardinger ng Ginebra.