-- Advertisements --

Nalusutan ng NLEX Road Warriors ang TNT Tropang Giga 110-108 sa nagpapatuloy na 2023 PBA Governor’s Cup.

Hawak pa ng TNT ang kalamangan kung saan umabot pa sa 15 points ang lamang nila pero sa last quarter ay umarangkada ang Road Warriors.

Dahil sa panalo ay mayroon ng tatlong panalo at wala pang talo ang NLEX habang ang TNT ay mayroong dalawang panalo at isang talo ang TNT.

Nanguna sa panalo ng NLEX ang kanilang import na si Jonathon Simmons na nagtala ng 45 points, 12 rebounds at tatlong steals.

Ito ang huling laro ni Simmons dahil nakatakda itong maglaro sa Chinese Basketball Association kung saan ipapalit sa kaniya si NBA veteran Wayne Selden.