-- Advertisements --
Nalusutan ng NLEX Road Warriors ang Converge FiberXers 107-103 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.
Ang nasabing panalo ay nagdala sa NLEX ng apat na panalo at anim na talo kung saan parehas sila ng TNT Tropang Giga na nasa pang-walo at pang-siyam na puwesto.
Mayroon pang tig-iisang laro ang bawat koponan para kanilang elimination round schedule.
Nanguna sa panalo ng NLEX ang kanilang import na si Deandre Williams-Baldwin na mayroong 22 points, 15 rebounds at anim na assists.
Ang nasabing pagkatalo ay pangatlong sunod para sa FiberXers na mayroong isang panalo at siyam na talo kung saan sila ay tuluyan ng natanggal sa playoffs.