-- Advertisements --

Kinumpirma ng NLEX Road Warriors na umalis s kanilang koponan bilang coach si Yeng Guiao.

Ayon sa koponan, nagkaroon ng ‘mutual decision’ ang nasabing paghihiwalay nila kay Guiao.

Pinasalamatan ng koponan si Guiao dahil sa mga nagawa niya sa koponan kung saan dalawang beses nakaapak sa semifinals ang koponan.

Nagsimulang mag-coach si Guiao sa NLEX noong 2016 matapos ang matagal na naging coach ng Rain or Shine .

Bukod pa sa pagiging head coach ay siya rin ang naging general manager ng koponan.

Bagamat wala pang tunay na rason sa nasabing dahilan ng pag-alis ng 63-anyos na coach ay marami ang nagsabing ang paglilipat ng ilang mga manlalaro sa ibang koponan ang sanhi ng pagkatanggal sa kaniya.