-- Advertisements --

Nakatakdang ipadala ngayong araw ng Department of Justice (DoJ) sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang nilinis na listahan ng mga persons deprived of liberty (PDLs) na napalaya sa pamamagitan ng good conduct time allowance (GCTA) Law.

Ayon kay Justice Usec. Markk Perete, ang kanilang hakbang ay para maiwasan ang mistaken identity at matiyak na ang aarestuhin ay ang mga presong totoong napalaya dahil sa GCTA.

Kailangan din aniyang matiyak na hindi masasayang ang resources ng gobyerno sa pagtugis sa maling PDL.

Sa ngayon, aabot na sa 1,025 na PDLs ang sumuko.

Magsisimula naman ang manhunt operation sa mga hindi pa sumusukong PDLs mamayang hatinggabi sa pagtatapos ng 15 araw na deadline ng Pangulong Rodrigo Duterte.