-- Advertisements --

Ipagpapatuloy pa rin ni Republican presidential candidate Nikki Haley ang kaniyang kampanya sa pagkapangulo.

Ito ay kahit na dalawang beses na ito ng natalo sa naganap na primary election laban kay dating US President Donald Trump.

Sa unang primary election sa Iowa ay nasa pangatlong puwesto ito habang pangalawa ang noon na hindi pa umatras na si Florida Governor Ron DeSantis.

Sa ikalawang primary elections sa New Hampshire ay 11 point lead ang lamang lamang ni Trump sa mga karamihang balota na nabilang.

Sinabi ni Haley na ang karera ay hindi pa natatapos dahil sa marami pang estado ang natitira.

Kumpiyansa ito na sa susunod na primary ay ang balwarte nito na South Carolina.