-- Advertisements --
Nagdesisyon ang American sportswear na Nike na umalis na sa Russia.
Ayon sa pahayag ng kumpanya na prioridad muna nila ngayon ang pagsuporta sa kanilang empleyado habang dahan-dahan nilang inihihinto ang kanilang operasyon sa mga darating na buwan.
Bukod sa pagsasara ng kumpanya sa Russia ay hindi na rin mabubuksan ang kanilang websites at mobile app sa nasabing bansa.
Noong Marso ay sinuspendi na ng Nike ang online at franchise store sales sa Russia.
Magugunitang noong nakaraang mga buwan ay umalis na rin sa Russi ang mga kumpanya na pag-aari ng US gaya ng Starbucks at McDonald’s.