-- Advertisements --

Nakatakdang labanan ni dating 4-division champion, Filipino boxer Donnie Nietes ang isa sa mga rising boxer ng Pakistan na si Muhammad Waseem sa Hulyo-22.

Gaganapin ang laban ng dalawa sa Dubai, kung saan ang IBO bantamwieght ang paglalabanang kategorya.

Maalalang una nang natalo si Nietes sa kanyang naunang laban nitong nakalipas na taon, laban kay Kazuto Ioka, para sa World Boxing Organization 115 pound belt.

Ang nasabing pagkatalo ay kasunod lamang ng mga nauna nang pagkatalo ni Nietes sa kamay ng iba pang mga batang boksingero.

Para kay Waseem, nais niyang samantalahin ang sunod-sunod na pagkatalo ni Nietes.

Aniya, pinag-aralan niya ang mga nakalipas na laban ni Nietes at halata umanong hindi maganda ang kanyang mga naging performance.

Sa kasalukuyan ay nagsasanay na umano siya limang oras araw-araw, para matiyak ang panalo laban sa Pinoy boxer