-- Advertisements --

Nabigo si Filipino boxer Donnie “Ahas” Nietes na makuha ang World Boxing Organization (WBO) world super flyweight laban kay Kazuto Ioka sa pamamagitan ng unanimous decision.

Sa kanilang rematch ngayong gabi sa Tokyo, Japan pumabor ang tatlong judges sa 33-anyos na Japanese boxer.

Sa score card ay nakuha ni Ioka ang scoring ng judges na 120-108, 118-110 at 117-111.

Ito na rin ang pang-limang pagdepensa ni Ioka ng kaniyang WBO 115 title fight.
Magugunitang sa unang paghaharap ng dalawa ay nakuha ni Nietes ang panalo sa pamamagitan ng split decision noong 2018.