Batid umano ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) kung sinu-sino ang mga sumusuporta sa communist terrorist groups na may posisyon sa mga ahensya ng gobyerno o nagtatrabaho bilang state employees.
Ayon kay NICA Director-General Alex Paul Monteagudo, alam ng ahensya kung sino ang mga indidbidwal na mayroong nakuhang posisyon sa mga government agencies. Ang ilan umano sa mga ito ay miyembro pa ng mga partido.
Alam din umano ng ahensya ang ginagawa nilang pagsuporta sa mga komunistang grupo kaya mahigpit nilang binabantayan ang mga ito.
Napagdesisyunan kasi ng Social Welfare Employees Association of the Philippines (SWEAP) at employees’ union ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tapusin ang samahan nito sa labor group na Confedaration for Unity, Recognition and Advancement of Government Employess (COURAGE).
Tuluyang natuldukan ang 20 taong pagsasama ng dalawang grupo dahil sa umano’y issue sa pera at mga kwestyonableng aktibidad at serbisyo nito.
Saad pa ni Monteagudo, nagtaka na raw ang mga opisyal at miyembro ng SWEAP kung paano ginagastos ng COURAGE ang membership fees dahil napansin umano nito na mas inuunang pagtuunan ng pansin ng grupo ang agenda na may kaugnayan sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).