-- Advertisements --
nia 2022 12 12 21 30 00

Umaasa ang pamunuan ng National Irrigation Administration na matutulungan din ng pamahalaan ang mga magsasakang maaaring maapektuhan sa nakaambang El Nino phenomenon.

Ito ay dahil na rin sa posibilidad na maraming mga magsasaka ang maaaring hindi makapagtanim dahil sa inaasahang kakapusan ng tubig sa mga sakahan.

Ayon kay Engr Eduardo Guillen, ang Acting Administrator ng NIA, na bagaman may mga nakahandang sistema na kanilang binuo para sa posibilidad ng kakulangan ng tubig, nakakatiyak aniya ang mga eksperto na may kakulangan talaga sa tubig para sa mga pananim.

Dahil dito, Hiniling ng opisyal sa pamahalaan na isama rin ang mga magsasaka na posibleng hindi makapagtanim, sa mga programa nitong magbibigay ng tulong para sa kanila.

Kasama na dito ang Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Disadvantaged Displaced Workers(TUPAD) kung saan maaaring isama ang mga magsasaka na bigyan ng sahod, kapalit ng paglilinis sa mga NIA canal.

Maliban dito, maaari din aniyang isama ang mga magsasaka sa cash-for-work program ng Department of Social Welfare and Development.

Malaking porsyento ng mga magsasaka aniya an posibleng kulangin o kapusin ng tubig sa kanilang mga sakahan, kayat nakabubuting maging bahagi rin ang mga ito ng intervention program ng gobyerno.