-- Advertisements --
nia 2022 12 12 21 30 00

Pagtutuunan ng National Irrigation Administration (NIA) ang food security sa buong bansa, kasabay ng pagtutok sa pagpapabuti sa kalagayan ng patubig.

Ayon kay NIA Administrator Eduardo Guillen, ang pagtutok sa food-security sa buong bansa ang pangunahing pokus ng NIA, lalo na at malaki ang posibilidad na magiging epekto ng mga nagdaang bagyo at ang kasalukuyang El Nino.

Ayon sa NIA Administrator, malaki ang pangangailangan na mailapit ang irigasyon sa mga bagong lugar na walang mapagkukuhanan ng maayos at tuloy-tuloy na supply ng tubig.

Kinabibilangan ito ng mga itatayong multi-purpose dam, small reservoir, small-scale irrigation system at ang mas malawak na kampanya para sa paggamit ng solar-driven pump irrigation system.

Ayon sa NIA Administrator, tutulong ito sa layunin ng administrasyong Marcos na mapatatag ang supply ng pagkain sa bansa, at matugunan ang pangangailangan ng pagkain.