-- Advertisements --

Pumanaw na ang tinaguriang Hall of Famer sa sports na Hockey na si Mike Bossy sa edad 65.

Inanunsiyo ito ng New York Islander ang pagpanaw ni Bossy subalit hindi na sila nagbigay pa ng anumang detalye.

Noong Oktubre ay bumaba si Bossy sa kaniyang trabaho bilang hockey analyst .

Napili bilang number 15 ng Islanders noong 1977 NHL Draft.

Sa taon din iyon ay nakuha niya ang Calder Trophy para sa Rookie of the Year matapos na makuha ang 53 goals at 91 points.

Mahigit 10-taon itong naglaro sa koponan kung saan naging pang-22 all-time best hockey player ang Canadian na si Bossy sa kasaysayan ng NHL.