-- Advertisements --
Muling nag-abiso ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) hinggil sa inaasahang manipis na supply ng kuryente ngayong araw sa mga lugar na sine-serbisyuhan ng Luzon Grid.
Ayon sa NGCP, mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 nitong hapon ay nakataas ang yellow alert.
Ibig sabihin, mababa ang reserba ng kuryente mula sa pinaka-malaking planta online, kung saan 647-megawatts ang para sa Luzon.
Ngayong araw, may 11,2880-megawatt na available capacity ang Luzon Grid, inaasahan naman aabot ng 10,824-megawatt ang peak ng demand.
Nilinaw naman na walang aasahang brownout sa maghapon.