-- Advertisements --
Inanunsiyo ni NFL star Tom Brady na ito ay muling maglalaro.
Ito ay dalawang buwan matapos ang anunsiyo nitong tuluyang pagreretiro.
Sa kaniyang Instagram account ay sinabi nito na matapos ang pamamahinga ng dalawang buwan ay napagtanto niya na nasa football field ang kaniyang puso.
Kaya ito maglalaro sa kaniyang ika-23rd season sa Tampa ay dahil may ilang hindi pa itong natatapos na trabaho.
Sa pagsisimula ng nasabing season ay magiging edad 45 na ito.
Magugunitang noong nakaraan season ay natalo ang koponan nitong Tampa Bay Buccaneers sa Los Angeles Rams na nakakuha ng SuperBowl.