-- Advertisements --

Inanunsiyo ni legendary quarterback at seven-time Super Bowl winner Tom Brady ang kaniyang pagreretiro.

Sa kaniyang social media kinumpirma nito ang tuluyang pagreretiro.

Una ng inanunsiyo ng 45-anyos na si Brady noong nakaraang taon na ito ay magreretiro na subalit matapos ang anim na linggo ay bumalik ito sa paglalaro dahil sa mayroon pang hindi natatapos na trabaho sa laro.

Si Brady ay nagwagi ng anim na Super Bowls sa koponang New England Patriots at isa sa Tampa Bay Buccaneers noong 2021.

Magtatapos ang final season ni Brady sa Buca na nabigo sa play-off noong nakaraang buwan.

Taong 2000 na mapili bilang 199th pick ng Patriots kung saan pinangunahan niya ang koponan para makuha ng kopona ang anim na Super Bowl Titles.