Nasamsam ng Naval Forces Eastern Mindanao(NFEM) ang 600 na kahon ng sigarilyo na tinangkang ipuslit dito sa Pilipinas.
Ang mga naturnag kontrabando ay tinangkang ipasok sa karagatang sakop ng Balut Islands, Saranggani, Davao Occidental.
Ayon kay NFEM Commander Commodore Carlos Sabarre, kasalukuyang nagsasagawa ang naturang command ng territorial defense operations malapit sa border ng Pilipinas at Indonesia gamit ang BRP Artemio Ricarte (PS37).
Sa kasagsagan ng operasyon, namataan nito ang M/B Princess Sarah, karga ang mga naturang kontrabando.
Ayon kay Sabarre, umiwas sa PS37 ang naturang banka at hindi muna tumugon sa radio communication nang hinarang ito ng Navy.
Agad namang sinundan ng tropa ng pamahalaan at dito natuklasan ang karga nitong mga smuggled na sigarilyo, sakay ang siyam na crew, kabilang ang isang menor de edad.
Inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa may-ari ng mga naturang kontrabando, kasama ang mga crew.