Pinangunahan ni House Secretary General Mark Llandro “Dong” Mendoza ang pag-unveil ng marker ng newly-renovated plenary hall ng House of Representatives.
Nasa mahigit P100 million ang ginastos para sa nasabing renovation kung saan dinagdagan na ang seating capacity sa loob ng plenary.
Sinabi ni Secretary General Mendoza na ang kailangang-kailangan na kasi ang renovation dahil ilang dekada na rin ang plenary hall.
Bukod sa renovation ng plenary may mga enhancement projects din ang ongoing sa loob ng House complex.
Sinabi ni Mendoza ang mga nasabing proyekto ay inisyatiba ni dating Speaker Lord Allan Velasco.
Dumalo din sa unveiling ceremony ang mga House Deputy Secretaries General at iba pang opisyal ng Kamara.
Isinagawa din kahapon ng hapon ang walkthrough sa loob ng plenary kasama si House Secretary General Mendoza kasama ang ibat ibang ahensiya ng gobyerno gaya ng PSG, MARO, PNP, RTVM at mga opisyal ng Kamara.
Ininspeksyon ng mga opisyal ang bagong ayos na plenary hall.
Epektibo ngayong araw July 21 ipapatupad na ang total lockdown sa buong Batasan Pambansa complex.
Ibig sabihin limitado na ang makakapasok sa loob ng Kamara, tanging mga essential workers na lamang ang papayagang makapasok.
Samantala, lubos na nagpasalamat si Presidential son at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos sa office of the Secretary General sa pagbibigay ng orientation sa mga bagong house members.
Ayon kay Rep. Marcos, malaking bagay para sa kanilang mga neophyte house members na kabilang sa 19th congress ang sumailalim sa Executive Course on Legislation dahil magsisilbi itong training course.
Nasa 57 na mga bagong congressmen na kabilang sa 3rd batch ang grumadweyt sa tatlong araw na orientation.
Si presumptive speaker at Leyte 1st District Rep. ang nagsilbing guest of honor and speaker.