Nagpaabot ng pakikiramay ang New Zealand rugby chief executive na si Steve Tew, sa biglaang pagkamatay ng Blues and North Harbour na Samoan-born New Zealand rugby union player Michael Tamoaieta.

Sa ngayon, naka-focus daw ang team na suportahan ang isa’t isa mula sa kanilang pinagdaraanan.

Inanunsyo naman ng pamilya ni Tamoaieta, 23, ang kanyang pagkamatay kaninang umaga.

Ang Blues team ay nagulantang din dahil sa napakabata pa nito.

“Michael was a talented athlete, and our focus is to offer our support and sympathy for the family, and we are supporting our team and staff,” ani Blues chief executive Michael Redman.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy ang dahilan ng pagkamatay ng nasabing atleta.