
ILOILO CITY – Napilitang magsara ang ibang mga vaccination sites sa New York City dahil sa kakulangan ng suplay ng bakuna laban sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Bombo International Correspondent Ludovico Baqueriza III, Pinoy nurse sa New York, palaisipan sa ngayon na kapag ibinigay ang first dose sa mga nagpapabakunang mga residente, hindi pa tiyak kung makakahabol at makakarating ang sapat na suplay ng bakuna para sa kanilang second dose.
Dahil dito, umabot sa 23,000 na mga appointments ang ni-reschedule.
Iminungkahi naman ni New York City Mayor Bill de Blasio na i-delay na muna ang pagbigay ng second dose sa mga naunang nagpaturok upang mabigyan ng unang dose ng bakuna ang iba.
Ngunit pinangangambahan na ang pag- delay ng second shot ay may malaking epekto sa efficacy o pagkaepektibo ng bakuna.
Napag-alaman na sa New York, ginagamit ang bakuna ng Pfizer at Moderna.










