-- Advertisements --

Binaha ang ilang bahagi ng New York City dahil sa pananalasa ng bagyong Elsa.

Ilang mga sasakyan ang nalubog at maging ang subway ay pinasok ng tubig.

Mabilis namang humupa ang tubig baha paghinto ng ulan.

Bagamat humina ang bagyo noong dumaan na sa Florida ay nagbabala pa rin ang National Weather Service na makakaranas pa rin sila ng pagbaha at malalakas na pag-ulan.