cropped James Jimenez Comelec Spokesperson
-- Advertisements --

Posibleng ilabas na raw ng Commission on Elections (Comelec) ang bagong guidelines sa pangangampanya sa ilalim ng tinatawag na new normal.

Posible kasing nasa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic pa rin ang bansa sa 2022 national at local elections.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, ang ilalabas na guidelines ay alinsunod na rin sa mga health protocols na itinakda ng Inter Agency Task Force (IATF) para maiwasan ang pagkalat ng covid.

Dagdag ni Jimenez ang paghahanda raw ng komisyon sa halalan ay full swing na.

-- Advertisement --

Kabilang dito ang ongoing voter registration na magtatapos sa Oktubre 30 at substitution ng mga kandidato hanggang Nobyembre 15.