-- Advertisements --

Nanguna si Anthony Davis para iposte ng Los Angeles Lakers ang panalo laban sa nangungulelat na San Antonio Spurs, 114-106.

Kumamada ng 34 points at 15 rebounds si Davis para sa kanilang 8-6 record habang hindi pa rin nakakalaro ang kanilang main man na si LeBron James.

Si Russell Westbrook naman ay nag-ambag ng double-double performance gamit ang 14 points, 10 rebounds at 7 assists.

Ang Spurs ay nasadlak pa lalo ang record sa 4-9.

Sa ibang game, inilampaso ng Brooklyn Nets ang Oklahoma City Thunder, 120-96.

Hindi nagpaawat si Kevin Durant nang magpakitang gilas sa 33 points at 8 rebounds sa kanyang pagbabalik sa dating homecourt sa Oklahoma City.

Sa ngayon gumanda pa ang record ng Nets sa 10-4, samantalang may kartada 5-7 naman ang Thunder.