-- Advertisements --
Nakaisip ng paraan ang Brooklyn Nets para maresolba ang kakulangan ng kanilang manlalaro sa pagsisimula ng NBA season.
Ito ay matapos na kunin nila ang veteran guard na si Jamal Crawford.
Ang three-man Sixth Man of the Year winner ay hindi nakapaglaro sa NBA mula 2018-2019 na huling koponan kung saan ito naglaro ay sa Phoenix Suns.
Mayroon itong average na 7.9 points at 3.6 assists kada laro.
Sa loob ng 19 season ay naging bahagi ito ng walong koponan.
Magugunitang tumangging maglaro sina Nets player DeAndre Jordan, Spencer Dinwiddle, Taurean Prince at Wilson Chandler dahil sa pangamba ng COVID-19.