-- Advertisements --
Nabigyan na ng clearance ng health and safety protocols ng NBA ang mga manlalaro ng Brooklyn Nets na sina Kevin Durant, Kyire Irving at LaMarcus Aldridge.
Dahil dito ay makakapaglaro na sina Durant at Aldridge sa pagharap ng Nets laban sa Philadelphia 76ers.
Habang si Irving ay hindi pa makakapaglaro dahil hindi pa nito natatapos ang requirements ng New York City COVID-19 vaccine mandate para sa mga atleta.
Magugunitang kinansela ng Nets ang tatlong laro nila dahil sa dami ng mga manlalaro nila na dinapuan ng COVID-19.