-- Advertisements --
Humingi naman ng paumanhin si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu matapos na sisihin ang kaniyang mga sundalo at mga intelligecne agencies dahil sa hindi nila agad nalaman ang paglusob ng mga Hamas group noong Oktubre 7.
Sinabi nito na wala dapat sisihin kung hindi siya bilang isang lider ng bansa.
Mula aniya ng magsimula ang kaguluhan ay nasa mahigit 6,000 na katao at mayroong mahigit 230 na bihag pa ang mga Hamas militants.
Dahil sa nasabing insidente noong Oktubre 7 ay dinoble ng Israel ang kanilang ground assault sa Gaza.