-- Advertisements --

Itinanggi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na kanilang ititigil ang ginagawang pag-atake laban sa mga Hamas sa Gaza.

Sinabi nito na walang makakapagpigil sa kanila at malayo pa bago tuluyang matapos ang giyera nila sa Hamas.

Inamin din ng mga mga opisyal ng Israel military na naging complex at complikado ang labanan dahil sa marami sa kanilang mga sundalo ang nasawi.

Nasa mahigit 20,674 katao na rin ang nasawi at 54,536 ang sugatan dahil sa labanan mula pa noong Oktubre 7.