-- Advertisements --

Inatasan na ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang kaniyang gabinete na direktang makipag-ugnayan sa Lebanon para disarmahan ang Hezbollah.

Ito ay upang mapag-usapan ang posibleng peace talk at makapagtatag ng ‘peace relations’ sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon kay Netanyahu, bilang tugon sa paulit-ulit na request ng Lebanon na magbukas ng direktang diyalogo, ipinag-utos niya sa kaniyang gabinete na isagawa ang naturang ugnayan sa lalong madaling panahon.

Una na rin aniyang tumawag sa kaniya ang Prime Minister ng Lebanon at ipinabatid ang kagustuhan ng naturang bansa na isailalim sa demilitarisasyon ang Beirut.

Isa sa mga magsisilbing sentro ng negosasyon ay ang pag-disarma sa mga miyembro ng Hezbollah, isa sa mga grupong nagpapaputpok ng missile laban sa Israel.

Sa magiging pagpupulong, magsisilbing kinatawan ng Israel si Ambassador Yechiel Leiter, ang Israeli envoy to US.

Bago ang naging kautusan ni Netanyahu, unang nagpakawala ang Israel ng maraming missile at drone laban sa Lebanon – ang itinuturing na pinakamalaking pag-atake na ginawa ng naturang bansa mula noong March 2, 2026, ilang araw matapos magsimula ang US-Iran-Israel war.

Hanggang 200 katao ang nasawi sa naturang pag-atake. (report by Bombo Genesis)