-- Advertisements --

Bumuo ng isang emergency government si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu at opposition leader Benny Gantz.

Kasabay din nito ay bubuo rin sila ng “war cabinet” kasama sina Netanyahu, Gantz at defence minister ng Israel.

Nangangahulugan nito na sa kasagsagan ng giyera ay walang anumang panukalang batas o desisyon ng gobyerno ang maipapatupad kapag hindi konektado sa giyera.

Lahat aniya ng mga senior appointments ay otomatikong mapapalawig sa kasagsagan ng giyera.