-- Advertisements --

Itinaas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa typhoon category ang bagyong Neneg.

Huling namataan ang sentro ng bagyong Neneng sa layong 145 km west ng Calayan, Cagayan.

Taglay ngayon ng bagyo ang lakas ng hangin na 120 km/h malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 150 km/h.

Tinatahak nito ang direksiyong pa-kanluran sa bilis na 20 km/h.

Nakataas pa rin ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 sa western portion ng Babuyan Islands.

Nasa ilalim naman ng TCWS No. 2 ang Batanes; northwestern portion ng Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros); northwestern portion ng Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela) at Ilocos Norte.

Sa ngayon, nakataas din ang TCWS No. 1 sa Kalinga, Abra, northern at central portions ng Ilocos Sur (Gregorio del Pilar, Magsingal, San Esteban, Banayoyo, Burgos, City of Candon, Santa Lucia, Santiago, San Vicente, Santa Catalina, Lidlidda, Nagbukel, Sinait, San Ildefonso, Galimuyod, City of Vigan, San Emilio, Cabugao, Caoayan, San Juan, Santa, Bantay, Santo Domingo, Santa Maria, Narvacan, Salcedo, Santa Cruz) at nalalabing bahagi ng Apayao at nalalabing bahagi ng Cagayan.